Wednesday, December 22, 2010
nu kaya magandang gawin para kahit papano sumaya naman ako diba?/ alam ko marami akong mali pero pinasisisihan ko naman lahat yon eeh... kaya lang talagang. nasa huli ang pagsisisi diba.. kahit anong gawin wala na.... huhuhu... di na maitatama ang mga pagkakamali... a
anu ba yan kung natuturuan lang sana ang puso sana . wala ng sakit diba>... huhu..
Monday, September 20, 2010

ni: dyna batulay
may puting bulaklak sa nagyukong damo,
mamamalas ang pamumukadkad nito
matatanaw ang kakaibang insekto
lilipad lipad sa kakaibang mundo
tutubi nakakahalina ganda mo
nakakadagdag ng ganda ang tutubi
nakakaakit ang ganda sa marami
at ninanais maangkin ng marami
nakakamanghang nilalang na sinabi
ako at ito ang magandang tutubi
sa dinami dami ng insekto sa mundo
tutubi lang ang inaasam mo
sapagkat taglay ang kagandahan nito
gustong paglaruan dahil naakit dito
alaagaan, hulihin at pakawalan mo!!!
mahabang kwento.....
pANAGINIP NG GISING
BY: DYNA BATULAY
ba't pag ayaw mo, tsaka binibigay...?
ba't pag nasa iyo na, tsaka babawiin...?
ba't pag kailangan mo na, tsaka nawawala...?
ba't pag umaasa na, tsaka ka iiwanan...?
ba't pag gusto mong lumigaya, tsaka ka malulungkot...?
sa pagkakataong ito, naglalaro ang mga katanungang yan sa utak ko... ala una na ng umaga. dapat natutulog na ko, pero hinde...
ano ba namang buhay yan...
baket kaya ganun no?
napakagulo talaga ng mundo. Sa araw araw na ginawa ng dyos yan ang trabaho ko.
Bukang liwayway na, hindi pa rin ako dalawin ng antok Haaay sigurado uumagahin nanaman ako nato!. Hindi naman ako inlove at hindi naman ganoon kalakihan ang problema ko. Siguro nga may sakit na ako -insomnia.
Hindi ko na matandaan pa, kung kailan ulit ako nakatulog nang mas maaga pa sa alas-dos ng madaling araw dati rati kasi alas dyes wala nang maririnig na ingay mula sakin pero ngayon Madalas nakakatulog ako ng mga bandang alas-tres hanggang alas-kwatro ng umaga. Sakaling hindi pa ako dalawin ng antok sa oras na alas-singko, ehh sinasadya ko na talagang hindi matulog. Dahil kung matutulog pa ako ng alanganing oras, malamang hindi na naman ako makakapasok sa eskwela. Mahirap kasi ako gisingin -tulog mantika!.! hehe
Kung hindi pa ako hihiyawan ng Nanay ko hindi pa ako babangon. Sakaling bumangon naman ako dahil sa sigaw ng nanay ko, asahan mo na maya-maya tulog na naman ako.
May mga pagkakataon pa ngang sa sobrang gulat ito ang nababangit ko.
“ano ba na man o’, natutulog yung tao”tsk tsk”
“hinayupak kang bata ka, ano ang sinasabi mo ha..napakakunat mo!? (Palo) …Tumayo ka na d’yan, tanghali na!” (Palo)
Wala naman akong magagawa kundi mag sorry..
“ay.. sorry po nay, nakakagulat kasi kayo ehh, oo na! tatayo na po”
Pagtayo ko sermon, bago pumasok sermon, sermon ang almusal ko..hehe pero syempre ok lang yun sakin kasi pag hindi ko narinig ang nanay kong hinihiyawan ako ay tiyak hindi kumpleto ang araw ko. Mahal na mahal ko yan si nanay.
Dumating ako sa paaralan ayun tulad ng dati huli nanaman alas syete naman ang simula ng klase ko.. pero pinipilit kong humabol. Lagi nalang napapansin ng mga kaeskwela ko!!! Haaaaaay…
SA GABI naman paguwi ko , kapag hindi ako makatulog, marami akong mga nagagawa gagawa ng takdang aralin kung meron at,pag wala naman marami rin akong nagagawa tulad ng nag-iisip, pag-iisip, mag-iisip uli hanggang makatulog. Ganoon ako ka-busy tuwing gabi. hehe
Sa mga ganitong sitwasyon, una kong naiisip si ate, wala na kasi s’ya. Pumanaw noong sampong taon palang ako at nasa ikaapat na baitang sa elementarya, lam nyo ba si ate napakabait non at napakasipag nya syempre mahal na mahal ko yun, idol kumbaga.
Nakakalungkot ‘noh? pero mas nakakalungkot kung malalaman mo kung ano ang kinamatay n’ya. Nagkasakit kasi sya, isang sakit na dinala nya sa mahabang panahon.haaay namimis ko na sya..
Noon, sya ang tanging katulong ni nanay sa bahay at katulong din sa pagtitinda panganay kasi sya sa aming anim na magkakapatid. Nakabalanggot, nakasakay sa isang bisekleta na may lamang mga paninda,
“gulay po. Bili napo kayo.sariwang sariwa”sambit ng batang babae, syempre nagsilapitan ang mga suki nya..mabili ahh..
Minsan pa nga pag papasok na sya sa eskwela may mga dalang matatamis na kendi na ipinagbibili nya sa kanyang mga kaeskwela,, pati nga mga guro hangang hanga sa kanya, syempre ate ko yan.
Anim kaming magkakapatid at si ate ang panganay, sa totoo lang hindi sya nakatapos ng pagaaral hanggang high school lang dahil nagpasya syang tumulong nalang sa aking mga magulang, at mapagaral din kami,,
Noong nagkaisip ako, si ate lang ang tanging kakampi ko! Minsan nga napagbintangan ako ehh..
‘‘sino ang kumuha ng pera ko nakalagay sa itaas ng drawer“ sambit ni nanay habang nasa sala kami. Walang umamin syempre wala namang magnanakaw samin..pero ako pa ang napagbintangan..
“dyna ilabas mo na?‘‘
‘’nay wala po sa akin” sambit ko syempre bata pa ako noon wala pang alam sa mundo
Ïkaw lang ang kukuha noon dahil ikaw lang ang natira ditto sa bahay“ sabi naman ni nay
“huhuhuhu hindi po ako ang kumuha‘‘
“nay kasama ko po si dyna buong maghapon at hindi kami naghihiwalay, bakit sya po ang pinagbibintangan nyo??“
sambit ni ate ko..kita nyo pinagtanggol nya ako..di narin sumagot si nanay siguro naalala nya kung saan napunta ang pera nya,,,haaaay nailipat lang pala nya sa ibang lalagyan....
dumaan ang maraming panahon. Nagkasakit si ate ko.. sabi nila nanay mahilig kasi sya sa soft drinks kaya yon humantong sa pagiging sakit.. hirap na hirap ang pamilya ko noon.
“oyy saan tayo kukuha ng pampagamot sa anak mo?‘‘ sabi ni nanay
‘‘wag kang mawalan ng pag-asa, hindi tayo pababayaan ng dyos.‘‘ ang tanging nabanggit nalang ng tatay ko... haaaaaaay
Matagal din nakahiga si ate sa banig ng karamdaman ..at ako ang tanging nakabantay sa kanya kapag wala sina nanay ata tatay. Nagtrabaho kasi sya ng matagal ehh. Naalala ko pa noon twing isasama ako ni ate sa trabaho nya...ayun sagana sa softdrinks, halos nauubos namin ang isang bote ng softdrink sa araw araw..
Matagal ding ganoon ang gawain namin ng ate ko..hanggang sa lumala ang sakit nya, nagkaroon ng komplikasyom sa ibat ibang bahagi ng katawan nya.
“nay sori po, huhuhuhuhu‘‘ sobrang iyak ni ate habang kausap si nanay
’’anak sa sobrang tigas ng ulo mo yan ang nangyari sa buhay mo !! pero anak mahal na mahal ka naming lahat wag kang susuko.kahit maubos lahat ng meron tayo basta gumaling kalang kakayanin natin to,,manalangin ka anak’’..
Nag-iyakan silang dalawa habang nasa loob ng isang silid sa ospital.
‘‘nay kakayanin ko po para sa inyo..’’
pagkalipas na operahan ni ate umuwi na kami, tapos sa amin nalang sya nagpagaling.. at sa awa ng dyos gumaling si ate pagkaraan ng mahabang panahon. Kaya lang bumalik agad sya sa kanyang trabaho dahil yun ang gusto nya. May pangarap syang makatulong sa aming pamilya kasi sya ang panganay.
‘’dyna sayo ko lang ito sasabihin, balang araw bibilan ko ng owner si tatay at papatayuan ko ng tindahan si nanay, at ikaw pagtatapusin kita ng college sa kursong gusto mo’’ sabi yan sakin ni ate habang nakahiga kami sa aking silid.
‘’ate sana matulungan kita sa mga pangarap mu kay nanay at tatay, pangako po ate magtatapos ako para balang araw maipagmalaki mo ako, at matuwa naman sina nanay at tatay sa akin,’’
‘’kaya mo yan, basta panalangin lang ang katapat nyan at pagtitiwala’’
Haaaaay,, mahal na mahal kita ate wag mo akong iiwan ha’’ tanging nasabi ko nalang sa kanya,.
Pagkalipas ng mga taon, natupad ni ate ang pangarap nyang gawin ang mabilhan ng sariling owner si tatay at mapatayuan ng tindahan si nanay, napakasaya namin noon, hindi maipinta ang kaligayahang nadarama namin.
‘’tay para sa inyo po ito, sasakyang pinapangarap nyo, nay ayan na ang norma’s store,. Mahalna mahal kopo kayo. Lahat gagawin ko para sa inyo,salamat po sa lahat lahat ng naitulong nyo sa akin’’
‘’anak salamat din dahil nabigyan mo kami ng mga bagay na pinaghirapan mo. Anak isa lang sasabihin ko sa iyo, ongatan mo sarili mo, wag matigas ang ylo mo para maganda ang maging buhay mo sa hinaharap.ha.’’ sabi ni tatay
‘’opo’’ tanging nasabi nalang ni ate na may ngiti sa labi
Ang sarap mabuhay lalo na at maraming nagmamahal sayo, maraming nakaalalay, bata pa ako noon pero namulat na ako sa hirap ng buhay, lam nyo ba pagkatapos ng kasiyahan naming pamilya, bumalik ang sakit ng ate ako, halos mawalan na ako ng pag-asa, pabalik-balik sila sa ospital, pupuntang cabanatuan, tapos papupuntahing maynila. Haaaay nawawalan na talaga ako ng pag-asa, buti nalang, malakas ang loob ni ate, sya pa ang nagbibigay ng lakas ng loob sa amin para lumaban. Sabi pa nga nya.
‘’wag po kayong umiyak. Di pa naman ako mamatay, magkakasama pa po tayong lahat, pagdating ng panahon.’’
Syempre pinakita namin sa kanya na malakas kami at naniniwala kaming makakaya nya na makaalpas sa kalagayan nya. Napakadaming tao mga kaibigan, ang dumating para sa kanya.
Lam nyo ba, sabi ng doctor noon na ang nanay at tatay ko lang ang nakakaalam,.
‘’misis, mr. wala na po akaming magagawa, iuwi nyo nap o sya at sa bahay nalang kayo maghintay’’
Nalugmok si nanay sa kanyang kinatatayuan, parang nwala sa kanyang sarili. Iyak sya ng iyak. Si tatay ay nakaalalay sa kanya at tinatatagan ang kanyang loob, wala silang ibang nagawa kundi ang iuwi si ate sa amin, na may pananalig sa diyos.
Nakahiga sya sa isang folding bed, halos araw araw iyak ako ng iyak pero hindi ko pinapakita sa kanya.. naaawa na talaga ako sa kanya sana gumaling sya.
Sa inaraw araw na ginawa ng dyos walang pagbabago, siguro ganito talaga ang buhay, nakatadhana nang mangyari,
Hapon na noon, kinausap ni nanay ang ate ko.
‘’anak, sana lumaban ka, isipin mo andito kami palagi, napakatigas kasi ng ulo mo,’’
Tanging iyak nalang ang naisagot ni ate.
‘’alam mo sasabihin ko sa ibang anak ko na wag matigas ang ulo nila tulad mo.’’ Sabi ni nanay na humahagulgol ng iyak sa kandungan ni ate.
Napakadaming pagsubok ang humarap sa aming katatagan pero lumalaban parin kami.
Araw ng linggo, taong 2001, disyembre 16, nagpunta sila nanay sa kapilya, para sumamba, ako at ang kuya ko lang ang tao na nagbabantay sa ate ko, nasa tabi ako ni ate, nagkwekwentuhan kami.
‘’ate musta kana po, nagugutom kaba ?? gusto mo po ng pagkain?/‘‘
,‘‘hindi na pate, busog pa naman ako ehh, dyna diba natupad ko na ayug pangarap natinang mabigyan ng sariling sasakyan at tindahan sila nanay, ikaw pagbutihin mo pag-aaral mo ha,,, mahal na mahal ko kayo’’
‘’opo ate, pangako ko po sa into yan, magtatapos po ako ng aking pag-aaral’’
Di ko alam kung matutuwa o maiiyak ako sa sinabi ni ate sa akin,
‘’ate ??? saglit lang po hah, kakain lang po ako tapos balik agad ako pagkatapos’’
Tumango nalag sya sa akin at ngumiti, napakaaliwalas ng kanyang mukha, masaya ko noon, dahil alam ko masaya din sya.
Pagkatapos kong kumain, dumungaw ako sa bintana, para tanawin si ate, kinawayan nya ako, para bang gusto nya akong lumapit, nagtungo agad ako sa kanya para tanungin akung ano ang kaylangan nya.
‘’ate,, bakit po ???’’ hindi sya umumik, nakatitig lang sya sa akin.
‘‘ate ko??? May masakit po ba sa iyo??? Ate?
Ate??
Ate??
Ate??
Ate??
‘’ate magsalita kanaman po…‘‘
Napakatagal kong kinakausap si ate pero wala akong natatanggap na sagot mula sa kanya hanggang sa nawala ang kanyang hininga, natulala ako noon, gusto kong magwala, biruin mo hanggang sa huli makakampi kami, hanggang sa huli magkasama kami.
Sana kahit asan pa sya, lagi nyang tatandaan mahal na mahal namin sya.
Nakakapanghinayang talaga ang kanyang pagkawala. Nagsisisi ako sa mga bagay na hindi ko nagawa noong nabubuhay s’ya. Tama nga ang sabi nila “walang unang pagsisisi, ito’y laging nasa huli. Siguro kung malalaman ko lang ang mangyayari noon, sana kahit papano nakagawa ako ng maganda para sa kanya. Hindi tulad ngayon, wala na akong ate, ako na ang ate.
Hanggang ngayon, habang nakadungaw ako sa bintana ng kuwarto ko, paulit-ulit na nagbabalik-tanaw ang mga nangyari noon.
Sinabi ko sa sarili, na kahit kailan hindi mawawala sa isip ko ang mga aral na iniwan n’ya sa’kin -ang pagiging matapang sa lahat ng bagay.
Sana, pagdating ng araw tingalain din ako ng tao, tulad ng pagtingala ko sa ate ko. Pero, takot akong mamatay, takot akong mamatay, takot akong mawala sa mundong ibabaw.
Takot akong mawalay sa pamilya. Kung si ate nga noong nawala parang nawala na rin ako sa sarili, papaano pa kaya kung buong pamilya? Siguro mame-mental hospital na ‘ko....
Haist… yan nanaman ako nananaginip nanaman ng gising hindi naman kasi ako dalawin ng antok paano kaya yun… sumikat na si haring araw, maghihintay nalang ako ng orasng aking pagpasok, kasi tulad ng dati pag natulog pa ako nakuhh.. hindi nanaman ako makakapasok…
“anak matulog ka muna, sigurado hindi ka nanaman nakatulog, katetext mo” pasigaw na sabi ni nanay sa akin, text daw ako ng text, hindi nya alam, hindi lang talaga ako makatulog,
“maya nalang ako matutulog, siguro sa gabi, may insayo pa po kami sa KORO ehh”
Sagot ko. Kasali kasi ako sa isang grupo ng mangaawit sa aming paaralan, ito rin ang ginagamit ko para makapag-aral ako, syempre, scholar”
“Haay sa wakas hindi ako nalate buti nalang hindi na ako nakatulog, ayan naman ang mga kamag-aral kong ako nalang palagi ang napapansin, ewan ko ba, bakit ba kasi nalalate ako. Kaazzzar.“ tanging namutawi nalang sa aking isipan. Pero sa totoo lang may mga taong kahit ano talaga ang gawin mo marami parin ang nagmamarunong, haaay mahina na nga ang ulo mo, parang pinapababa pa nila ng husto,
Minsan nga dumadating sa buhay ko at sa ibang tao... na pakiramdam niya ay wala siyang kwenta o saysay sa mundo... tss. lagi naman e!! yan ako, minsan pakiramdam ko mag-isa lang ako. Walang kakampi, mula ng namatay si ate.
minsan pa nga naisip ko na din na mas mabuti siguro kung hindi na lang ako nag-aral kasi naman sa hirap ng buhay, napapabayaan ko na ang pag-aaral ko. Minsan kasi nauubusan ng pera, pero may pangarap naman ako na makatapos at matupad ang pangakong naiwan ko sa pinakakamamahal kong kapatid, minsan... sa tingin ko, mas masaya ang buhay kung yung mga tao ehh nakaalalay sayo oo mga magulang at mga kaibigan ko nakaalalay sa akin pero hindi sa lahat ng pagkakataon, lalo na ang mga kaibigan mo, ginawan mo na nga ng mabuti. Iiwan kap sa huli, nakakalungkot..
Bakit kasi may mga taong walang magawa sa buhay walang ibang alam pakialaman kundi ang buhay ng may buhay, lalo na ang mga kamag-aral ko, wala ng alam kundi ang pansinin ako. May pagkakataon pa nga naichismis ako. Haaay, wala naman akong gnagawang masama, nuh ba yan…
baket kaya ganun nuh?????? sadyang may mga tao sa mundo na di ko maintindihan... magugulat ka na lang minsan, tinitira ka na pala!!!! At takenote tinitira ka patalikod.. nakakainis no!? parang ang sarap sigawan at sabihing ba't di mo sabihin saken ng harapan siguro mas mauunawaan ko pa…haaaaaaaaay tao nga naman.
sa totoo lang, di ako galit. Siyempre, di naman lahat lahat ng tao pwede kang magustuhan di ba? pero ang masaklap lang kasi, kasama ko araw-araw... at sa tinagal tagal nun, di man lang sabihin saken ng matapos na!
Hindi ko na alam! minsan ang labo talaga ng mundo ang labo ng takbo ng mundo para sa akin... yung mga pinagpapala ng katalinuhan sila pa itong nanbababa, at ang mga tinuring mong mga tunay na kaibigan sya pang gagago sa iyo, minsan ang mga taong ganyan sila pa ang di masaya sa buhay syempre ahh, pag kasi matalino ka lapitin ka.. Minsan plastikan pah…hehehe pero hindi naman lahat, at yang mga kaibigan haaay panira, mahirap na talagang humanap ng tunay na kaibigan… meron naming mga taong mahina ooh yung mga bagsakin, di rin masaya dahil malamang... bagsak nga e! Ano nga ba talaga!? Gulo Noh…
ang hirap talagang mag-aral minsan pag bagsak, pakiramdam mo. Pinakabobo kana sa lahat... alam niyo yung tipong ginawa mo na lahat, pero hinde pa din sapat? Lagi nalang ganun, ganun palagi! AYOKO NA!!!
isa pa na nakakainis pag may isang tao na nagmamarunong! lalo na yung pakiramdam nila, alam nila LAHAT!! Yung tipong pag may sinabi sila, 100% na tama... at syempre ikaw, magmumukang tanga! Yun yung mga tipong magsasabi na gawin mo to, gawin mo yan... at magagalit pag di mo nagawa!! kahit na di mo naman talaga kasalanan... hiiiiiiiiiii.. Kakainis. Haaaaay buti nalang mahaba pasensya ko, kundi. Laging sira ang araw ko.
Gabi nanaman, nakita ko si nanay na nag-aabang sa akin.
“anak. Bakit ngayon kalang??? Kanina pa kami nagihintay sa yo.” Sabi ni nanay
“Ehh nay sory po, kasi may kanta kami kanini, ehh wala naman po akong lowd. Makikitext sana ako kaso po, lobat din ako.. Pasensya napo.’””
“ok lang basta sa susunod magtetext ka para naman hindi kami nagaalala ha. Geh kumain kumain kana don.”
“sige po nay salamat po..
Pagkatapos naming maghapunan. Tulad ng dati andito nanaman ako sa aking maliit na silid na punong puno ng mga larawan ng aking pamilya at mga crush, hehehe, syempre mga artista naman yun. Pag binuksan mo ang bintana ay sigurado , maraming papasok sa isip mo. Sarap talaga sa silid ko. Para akong nasa beach, kasi naman pag dumungaw ka sa bintana ay makakasagap ka ng sariwang hangin, sarap sa pakiramdam.
Naalala kong muli ang mga pinagdaanan na pagsubok ng aking mga magulang at syempre ngaming pamilya, noon kasi masasabi kong napakasagana ng buhay naming, umiikot sa aming negosyo, may tindahan kasi kami ng ice buko at may isang talyer na marami ang tarbahador, meron pa ng kaming junkshop. Nakilala ng maraming mga tao.
Pero nga lang mula ng maipanganak ang kuya ko, at ako hanggang bunso, ay napabayaan an gaming hanapbuhay, syempre aalagaan kami ni nanay, naisara ang tindahan naming ng ice buko.. wala naman kasi kaming magagawa, napabayaan ehh.
“Ooy, paano na ito. Pag hindi natin isinara ang ice buko natin, napapabayaan natin an gating mga anak,” banggit ni nanay.
“Ganoon talaga. Pagka naman tinuloy natin, marami naming tao ang pweding manloko sa atin kaya, mas mabuting isara na natin. Tutal may talyer tayo at junkshop diba??’””
Dagdag ni tatay.
Wala naman kasi kaming magagawa diba… siguro tumagal din ng maraming panahon an gaming hanapbuhay, kaya lang yung junkshop, napabayaan din. Haaaaaaaaaay nu bayan. Wala namang may kasalanan ehh. Ganoon talaga ang buhay pana-panahon lang..
At ngayon naman ang taning kinabubuhay ng pamilya naming ay ang aming maliit na talyer, at ang naipagawang tindahan ni ate, yung owner na binili nya ay, napalitan ng xlt, ooh diba sosyal...Hehehe,
Madami ngang mga pagsubok ang hinarap ng pamilya pero kinakaya naman sa tulong ng dyos. Buti nalang ang babait ng mga kapatid ko, lalo na si kuya….minsan pa nga naglalaro kami ng pambatang laro para lang makisama sa aming mga kapatid na maliit. Ganun talaga, minsan kaylangan mong gawin ang mga bagay para sa ikabubuti ng marami… masaya ako dahil andyan ang pamily ko lagging andyan din para sa akin..
Haaaaaay alas dos nang madaling araw. Pero ayaw padin akong dalawin ng antok. Hirap ng ganito. … biglang pumasok sa aking isipan ang isang pangyayari na hinding hindi ko makakalimutan.
December 31, 2009 mga alas onse ng gabi. Malapit nang mag bagong taon. Nagbabantay ako sa aming tindahan nang biglang ..
Ttttttttttttttttttttttttuuuuuuuuuuuuuuuggggggssssssssssssss!!!!!!!!!!!!!!!!!!!
Isang ingay ang aking narinig, malapit lang sa akin ang pinagmulan ng ingay naulit muli....
bbbbbooooooooooooooOOOOOMMMMMmmmmMMMMmmMMM!!!!!!!!!!!!!!!!
Isang paputok ang aking narinig, at biglang may humiyaw,,,
“ hHHhhhhhhhhhhoooooOOOOOOOOOOOOOOOOOOOYYYyyyyyyyyyy”
Isang tinig ng isang babae, kapitbahay naming,
“ waLAaaaaaaaNG magawa sa buhay, mga walang kwenta,, nakitang nagluluto ako dittTTTTTTTTTTTTTToooooOOOO, Kyo magpapaputok, mga walang hiya..“
Ang sigaw ng babae, naku nagkagulo na, sinugod nya ang lalaking nagpapaputok, at pingsisigawan halos, suntukin na nya ito, sa sobrang inis,
“aNNnnnnnnOOO BaaAaa???? Ang ikinagagalit mo dyan, bagong taon ngayon, tama lang naman ang magpapaputok diba??? Mas wala kang kwenta, bakit ba nakikialam ka sa buhay ng may buhay ha??? Kung gusto mo, magpaputok ka ng magpaputok, hanggang magsawa ka<<,“
Sabad ng isang lalaki...“ haaaaaaay naku naman,, bagong taon ngayon, may gera....huhuhu“ nasabi ko nalang, ngunit, hindi pa man, nakakapagsalita ang babae ay biglang,
(suntok)(tadyak) ang ginawa ng asawa ng babae sa nagpaputok, haaaaay nu bay an at sa harap ko pa nangyari yun, natulala ko a sobrang takot, buti nalang pinuntahan agad ako ni tatay para ilayo, kung hindi baka nahimatay na ako noon,
“ walang hiya ka.. sira ulo. Wala ka nang ginawang tama sa lugar natin, lumayas kana dito.““ Sabad ni mang ernie na asawa ni ate selly na nakarinig ng malakas na putok..
“at sino ka namang babawal at magpapalayas sa akin,,,ikkaaaaaaaaaaaaaaaw, itong lumayas, walang hya ka,,,, (suntok)(bira)“
Nakuuuuh, may isang lalaki ang naghagis ng isang matalin na kutsilyo, at kinuha naman iyon, ni joel ang lalaking nagpaputok, aambaing sasaksakin si mang ernie, nang inunahan sya at binato ng malalaking batong nakita nya sa paanan,
suntok, bato, saksak,
dumanak ang dugo, huhuhu, napakaraming nagambalang tao, napakaraming dugo, bagong taon ba????? 11:30 na ng gabi, ngunit hindi parin natatapos ang awayan, habulan ng parang magugunaw na ang mundo..... nakakatakot, pero hindi lang naman yan ang unang beses na nangyari yan sa lugar namin ehh, dahil, lagi nalang may awayan, may patayan,,, nakakasawa talaga,,,
natigil ang awayan ng dumating na ang mga pulis, parang biglang naglaho ang mga nagaaway, hinanap ng mga pulis ang mga taong naggulo, ngunit, hirap nilang hanapin ang mga tao, nang biglang,.. may pumasok sa aming bahay, si joel ang laalking nagpaputok, inaanak kasi sya nina nanay at tatay,
“ninang, pasensya napo, kayo. Dito po muna ako.. parang awa nyo nap o… sila naman kasi ang nauna ehh...“
“anak. Cgeh, magtago ka muna dyan...“ sagot naman ni tatay, labag man sa loob nila pero pinayagan nadin nila,,, ni hindi nga nila alam kung saan dumaan yun ehh, haaay grabe.. mga tao nga naman, walang magawa sa mga buhay nila...
“ misis, may roon po bang lalaki na pumasok sa inyong bahay??” tanong ng mamang pulis sa nanay ko,
“tinganan nyo po.. kung meron dyan,“ banggit nalang ni nanay, syempre hindio naman sya makikita don kasi nasa kwarto,hhaaaaaay nakuh naman, nakuhhh pahh,,,
ang tagal naghanap ng mga pu;lis, hanggang magpasya si joel ang inaanak nila tatay at nay na sumuko na sa mga pulis, pinangaralan kasi sya ni tatay buti nalang at nakinig.
“ninong, lalabas na po ako at susuko. Bahala nap o sa akin ang dyos, ‘’
‘’sige anak, mas maganda ang gumawa ng maganda, kesa pinagtataguan.
At tuluyan na ngang sumuko si joel sa mga pulis, haaaaay buhay, nakakawalang gana pag ganoon ang mga kapitbahay mo, namumuhay ka ng matino, tapos ganoon pa ng igaganti sa inyo, nakikisama kapa, guguluhin kapa.... buti nalang mahal kami ng diyos
Mag aalas dose na ng umaga, ayun, bagong taon na... pero makikita parin sa mga mukha ng mga tao ang takot... ito na siguro ang pinakamasamang bagong taon na gumating sa buhay namin, dapat kasi masaya, walang gulo dahil papasok ang bagong taon sa buhay, pero nngyari nga yun,
pinilit naming magsaya, para naman masaya din ang pagsalubong namin sa bagong taon... yun nga lang bigla nanamang pumasok sa isip ko si ate, kasi mula ng namatay sya, di na masaya ang bagong taon para sa akin, lam nyo, habang nagpuputukan, habang nagkakainana sila,,, ako naman, tulog...... kakaantok ehh.. parang may takot padin..
haaaay grabe talaga ang mga pangyayari sa aking buhay, at sa aming pamilya... at hanggang ngayon, walng pagbabago sa buhay ko….
Oooops, alas kwatro nang madaling araw, haaaay. Inatake nanaman ako ng sakit ko...-insomia, tapos may pasok pa ako bukas, sa twing di kasi ako makatulog, madaming mga bagy ang pilit na pumapasok sa isip ko, na kung minsan nga, umiiyak nalang akong magisa. Parang wala nang darating na bukas para sa akin, kasi sa sobrang lungkot, pakiramdam ko.. nagiisa lang ako,.. buti pa nung nabubuhay si ate, sya ng palaging nakaalalay sa akin at sya rin ang lagging nagbibigay ng suporta sa akin sa lahat ng aking gagawin..
Sa panahon ngayon, madaming kumakalat na suliranin, pero nakakaya naman, kailangan ehh,, may taong handing umalalay, para sa atin.. naalala ko tuloy ang kataga ni bob-ong
. "Mag-aral maigi. Kung titigil ka sa pag-aaral, manghihinayang ka
pagtanda mo dahil hindi mo naranasan ang kakaibang ligayang dulot ng mga
araw na walang pasok o suspendido ang klase o absent ang teacher. (Haaay,
sarap!)."
"Mangarap ka at abutin mo. Wag mong sisihin ang sira mong pamilya,
palpak mong syota, pilay mong tuta, o mga lumilipad na ipis. Kung may
pagkukulang sa'yo mga magulang mo, pwde kang manisi at maging rebelde.
Tumigil ka sa pag-aaral, mag-asawa ka, mag-drugs ka, magpakulay ka ng buhok
sa kili-kili. Sa bandang huli, ikaw din ang biktima. Rebeldeng walang
napatunayan at bait sa sarili."
“Nalaman kong habang lumalaki ka, maraming beses kang madadapa. Bumangon ka man ulit o hindi, magpapatuloy ang buhay, iikot ang mundo, at mauubos ang oras.”
Totoo naman ehh, inspirasyon ko din ang mga sulat ni bob-ong, parang yung ate ko. Idol ko sya, nagbibigay ng lakas sa kin para lumaban. Kasi nga minsan, hindi naman maiiwasang mawalan tayo ng pag-asa sa buhay, yan ang palagi kong daing kaya, iniiyak ko nalang para naman, wala ng pumansin a akin.
Dahil dyan. Nagkalakas loob akong lumaban at magpatulay sa aking pag-ral. Mag-aaral na kong mabuti. Para naman, maging masaya ng pamilya ko, at hindi nalang ako ang palaging napapansin nila, gusto ko balng araw, makapagtagumpay ako at matupad ang nais ko. Ang makatapos… para ito sa dyos, sa mga magulang ko at para sa ate ko… haaaaaay, sana nga. Sana nga..
Eto na ako….haaaaaay, umaga nah pala…. Alas singko ng madaling araw, wala nanamang tulog, mamaya nalang siguro pag wala kong pasok..hehe
Naalal ko nanaman, gusto ko talagang makatapos, makakagraduate ako sa clsu, hehe, kahitpa tumagal ang aking pag-aaral basta,, , gusto kong makayari, gusto kong maipakita sa lahat na kung kaya nila kaya ko rihindi ko naman kaylangang mainggit pagpupursige lang ang kailangan tsaka, hindi man sa mata ng tao sa sarili ko man lang maipakita ko at may mapatunayan ako..
Sa ganoon makabahagi ako at makatulong. Maging idolo tulad ng mga ini-idolo ko ngayon.
Sadyang may hangganan at pag nangyari yun masasabi kong ito na ang wakas, pwede na akong pumanaw, at least may nagawa ako diba…. Tulad ng sa ate ko natupad nya ang kanyang pangarap para sa kanyang pamilya…
Bigla nalang nakarinig ako ng sobrang pamilyar na boses. Tumagos iyon sa tenga ko papauntang ibat- ibang parte ng katawan ko..
“dyyyyYYYYYYnnnnnnnnaaaAAAAAA!!!!!! Bbumangon kana!!!!!!!!!!““
Haaay nanay ko pla.....hehehe
“opo inay, nay. Mahal na mahal ko po kayo. Babangon na po ako““
Ang huling salitang nabitiwan ko...